Napanatili ng Bagyong Dante ang lakas nito habang tinatahak ang direksyong hilagang-kanluran ng Philippine Sea.
Huling namataan ang bagyo sa layong 375 kilometro ng silangan hilagang-silangan ng Surigao del Sur o 455 kilometro ng silangan ng Surigao City, Surigao del Norte.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 75 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugsong aabot sa 90 kilometro kada oras.
Kumikilos ang Bagyong Dante pa-hilagang-kanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras.
Nakataas naman ang Tropical Cyclone Wind Signal number 1 sa mga sumusunod:
– Eastern portion ng Northern Samar (Mapanas, Gamay, Lapinig, Palapag, Laoang)
– Northeastern portion ng Eastern Samar (Arteche, San Policarpo)
Dahil dito, asahan na ang mahina hanggang sa katamtaman at paminsan-minsang malakas na pag-ulan sa Caraga, Davao Region, Eastern Visayas, Bukidnon, at Misamis Oriental.
Inaasahan namang lalakas pa ang Bagyong Dante at magiging severe tropical storm pagsapit ng umaga ng Miyerkoles.