Nasa labas pa rin ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang binabantayang tropical storm “Goni” ng PAGASA.
Huli itong namataan sa layong 1,705 kilometers Silangan ng Central Luzon.
May lakas ito ng hanging aabot sa 65 kilometers per hour at pagbugsong 80 kph.
Inaasahang papasok ito ng PAR mamayang hapon at tatawaging bagyong “Rolly”.
Wala pa itong direktang epekto sa bansa.
Sa ngayon, magdadala ng makulimlim na panahon na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog-pagkidlat sa CARAGA Region ang Inter-Tropical Convergence Zone (ITCZ).
Northeasterly Surface Windflow naman ang magdadala ng mga pag-ulan sa Ilocos Norte, Batanes, Babuyan, Cagayan at Apayao.
Habang magiging maaliwalas na panahon ang iiral sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa maliban sa isolated rainshower.