Tropical storm Nate, nag-iwan ng 22 patay sa Central America

Amerika – Umabot na sa 22 tao ang namatay matapos ang pananalasa ng tropical storm Nate sa Central America na kasalukuyan nang patungong Estados Unidos.

Inaasahang magiging hurricane ang tropical storm Nate sa oras na mag-landfall ito sa US, sa hilagang bahagi ng gulf of Mexico.

Nagbabala naman ang US National Hurricane Center ng posibleng hurricane conditions sa yucatan peninsula sa mexico.


Mababatid na 11 katao ang naitalang patay sa Nicaragua, 8 sa Costa Rica kabilang ang 3 taong gulang na bata, habang tatlo naman sa Honduras habang 30 tao naman ang naitalang nawawala sa tatlong nabanggit na bansa.

Facebook Comments