Tropical storm Paolo, nasa loob na ng PAR

Manila, Philippines – Patuloy na minomonitor ng PAGASA ang tropical storm na Paolo nakapasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa silangang bahagi ng Guiuan, Eastern Samar.

Sa 3:00am update ng PAGASA, namataan ang sentro ng bagyo sa layong 885 kilometro sa silangang bahagi ng bayan ng Guiuan.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 85 kilometer per hour malapit sa gitna at pagbugsong nasa 105 kilometer per hour.


Samantala, isang Low Pressure Area ang binabantayan ng pagasa na kanilang namataan sa 165 kilometro sa kanlurang bahagi ng Coron, Palawan na siya namang magdadala ng pag-ulan doon.

Agwat ng temperatura sa Maynila 26 to 33 degree celsius.

*Sunrise: 5:47 am*
*Sunset: 5:35 pm*

Facebook Comments