Bahagyang lumakas ang Tropical Storm Ulysses na huling namataan sa layong 375 kilometers Silangan Hilagang-Silangan ng Virac, Catanduanes o layong 500 kilometers Silangan ng Daet, Camarines Norte.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 85 kilometers per hour (km/h) malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 105 km/h na kumikilos pa-Hilagang-Kanluran sa bilis na 15 km/h.
Dahil sa bagyo, nakataas na ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2
- Catanduanes
- Sorsogon
- Albay
- Camarines Sur
- Eastern portion ng Camarines Norte na kinabibilangan ng (San Vicente, Talisay, Daet, San Lorenzo Ruiz, Basud at Mercedes)
Tropical Cyclone Wind Signal No. 1
Sa Luzon…
- Metro Manila
- Quirino
- Nueva Vizcaya
- Eastern portion ng Pangasinan kinabibilangan ng; San Nicolas, Natividad, San Quintin,
- Umingan, Balungao, Rosales, Santa Maria, Tayug, Asingan, San Manuel
- Aurora
- Nueva Ecija
- Tarlac
- Pamapanga
- Bulacan
- Central at Southern portions ng Zambales kabilang ang (Masinloc, Palauig, Iba, Botolan, Cabangan, San Felipe, San Narciso, San Marcelino, Castillejos, Subic, Olongapo City, San Antonio)
- Bataan
- Quezon kasama na ang Polillo Islands
- Rizal
- Laguna
- Cavite
- Batangas
- Nalalabing bahagi ng Camarines Norte
- Masbate kasama na ang Ticao at Burias Islands
- Marinduque
- Romblon
- Oriental Mindoro
- Mindoro kasama na ang Lubang Island
Sa Visayas…
- Northern Samar
- Northern portion ng Samar kinabibilangan ng (Santo Nino, Almagro, Tagapul-An, Tarangnan, Calbayog City, Santa Margarita, Gandara, Pagsanghan, San Jorge, San Jose de Buan, Matuguinao)
- Northern portion ng Eastern Samar kinabibilangan ng (Maslog, Dolores, Oras, San Policarpo, Arteche, Jipapad)
Ang mga lugar na nabanggit sa nasabing Tropical Cyclone ay makararanas ng maulap na kalangitan na may mahihina hanggang may kalakasang pag-ulan.
Facebook Comments