Ipatutupad na pansamantalang truck ban at traffic rerouting kaugnay ng pagdiriwang ng pista sa San Jacinto, partikular sa isasagawang “Kalutan Tan Tugtugan Ed Dalan”, simula alas-10 ng umaga ng Abril 12 hanggang alas-3 ng madaling araw ng Abril 13.
Ayon sa abiso, lahat ng Class 2 at Class 3 vehicles na mula Manaoag patungong Mangaldan, San Fabian at Dagupan City ay dadaan sa Mapandan-Mangaldan Road, habang ang mga galing naman sa Mangaldan at San Fabian patungong Manaoag ay gagamit ng Mangaldan-Mapandan Road.
Samantala, ang Class 1 vehicles naman na papasok o palabas ng Manaoag, Pozorrubio, Mangaldan, at San Fabian ay dadaan sa mga alternatibong ruta sa bayan.
Saklaw rin ng rerouting ang mga provincial bus na bumibiyahe mula Dagupan at Manaoag.
Mahigpit namang pinaalalahanan ng lokal na pamahalaan ang mga motorista na sundin ang mga nakatalagang rerouting signs at makipagtulungan sa mga traffic enforcers upang maiwasan ang aberya sa kasagsagan ng aktibidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










