TRUCK BAN | Ilang kalsada sa Valenzuela, isasara sa mga truck

Valenzuela – Magpapatupad ngayon ng truck ban ang pamahalaang lungsod ng Valenzuela sa kahabaan ng General Luis Boundary mula sa Caloocan hanggang Mac Arthur Highway sa may bahagi ng Maysan Road.

Sa abiso ng pamahalaang lungsod, iiral ang truck ban sa pagitan ng alas-6:00 hanggang alas-10:00 ng umaga at alas-5:00 ng hapon hanggang alas-10:00 ng gabi.

Bubuksan lamang sa mga truck ang nabanggit na kalsada tuwing linggo at tuwing holidays.


Pinapayuhan ngayon ang mga truck drivers, owners at operators na humanap na muna ng alternatibong ruta para makaiwas sa huli at penalty.

Facebook Comments