Truck ban, no fly zone at lockdown sa CCP complex – ipatutupad bilang paghahanda sa ASEAN Summit

Manila, Philippines – Magpapatupad ng truck ban ang mga awtoridad sa ilang pangunahing kalsada sa Metro Manila at ilang bahagi ng Clark, Pampanga sa Nobyembre 12 hanggang 15.

Ito ay bilang paghahanda sa nalalapit na 31st ASEAN Summit.

Ipagbabawal muna ang pagdaan ng mga truck at closed vans sa EDSA mula balintawak hanggang sa Magallanes interchange.


Hindi papayagan ang pagdaan ng mga malalaking sasakyan sa SCTEX at NLEX mula Clark, Pampanga hanggang Balintawak, Quezon City.

Ipatutupad din ng Civil Aviation Authority of the Philippine (CAAP) ang ‘no fly zone’ sa mga lugar na pagdarausan ng summit.

Kabilang sa ipagbabawal ang paggamit ng drone mula November 9 hanggang 17.

Magpapatupad ng lockdown sa CCP complex simula Nobyembre 11 hanggang Nobyembre 15 maging ang no sail zone sa bahagi ng Manila Bay simula ngayong araw at tatagal hanggang Nobyembre 16.

Facebook Comments