Tiniyak ng Bureau of Customs (BOC) na hindi magkakaroon ng port congestion sa kabila ng pagpapatupad ng truck ban sa EDSA at C5 Road.
Ayon sa BOC, mananatili na nasa manageable levels ang mga port sa Metro Manila kahit na may truck ban.
Patuloy din ang pakikipag-ugnayan ng BOC sa shipping lines at operators para mapanatiling maluwag ang mga ports.
Ipinag-utos na rin ng BOC sa Customs Container Control Division sa bawat port na tiyaking matatanggal ang mga wala ng laman ng containers.
Una rito, nagbabala ang Confederation of Truckers’ Association of the Philippines sa posibleng port congestion matapos pagbawalang dumaan sa EDSA at C5 Road ang mga truck.
Sa ngayon, mahigit 20 na ang mga truck drivers na naaresto dahil sa paglabag sa truck ban.
Facebook Comments