*Cauayan City, Isabela*- Inihahanda na ang kasong Reckless Imprudence resulting in Damage to Property laban sa driver ng isang truck matapos aksidente nitong mabangga ang checkpoint bandang 3:00 kaninang madaling araw sa Brgy. San Juan, City of Ilagan, Isabela.
Kinilala ang driver ng truck na si Leo Santos, 32 anyos, may asawa at residente ng Brgy. Balungao, Calumpit, Bulacan.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Ilagan City Police Station, binabagtas ng driver ang pambansang lansangan patungo sa Bayan ng Tumauini ng mawalan ng preno ang kanyang minamanehong truck at bumangga sa isang puno malapit sa checkpoint ng mga frontliners.
Maswerte namang walang sugatan sa nangyaring sa pagitan ng mga frontliners maliban sa driver ng truck na nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan na ngayon ay nagpapagaling sa pagamutan.
Paalala ng mga awtoridad na ugaliin ang regular na pagsuri sa mga sasakyan bago ito ibiyahe upang matiyak na makaiwas sa aksidente.
*tags: 98.5 iFM Cauayan, 98.5 RMN, LGU Ilagan, PNP Ilagan City, Luzon*