Truck, bumulusok at inararo ang mga sasakyan sa Batasan, Quezon City; Isa, kumpirmadong patay matapos madaganan ng truck

Quezon City – Tukod na ang traffic mula sa Batasan National High School dahil sa pag-araro ng 22 wheeler truck sa dalawang kotse, isang motor, at isang jeep sa Barangay Batasan, IBP-San Mateo road.

Ayon kay SPO2 Celidonio Caunceran, imbestigador ng PS6 ng QCPD, 3:30 minamaneho ni Nilo Calimutan,47 anyos, ang 22 wheeler truck nang maramdamang nawawalan na ng hangin ang airbrake.

Pinakalsuhan pa niya sa pahinante ang gulong pero dahil overloaded ng malalaking bakal at padausdos na ang kalsada, bumulusok ito at inararo ang mga nabanggit na sasakyan.


Pito ang idineklarang casualty habang isa pa lamang ang kinukumpirmang patay matapos maipit sa truck.

Base sa nakuhang ID, nabatid na ang halos hindi na makilalang biktima ay si Enrique Faigane na nagtatrabaho sa BFP.

Dinala naman sa iba’t ibang ospital ang mga nadamay sa insidente.

Sa unofficial na impormasyon, sa Malvar General hospital sa Fairview nakapagtala umano ito ng isang patay at 4 sugatan habang sa St. Matthew hospital naman ay may 2 patay at 5 sugatan.

Pinagpira-piraso naman ang truck para maialis sa ito sa daan.

Facebook Comments