TRUCK DRIVER, ARESTADO MATAPOS MAHULIAN NG MGA BALA SA BAYAN NG BAYAMBANG

Bayambang, Pangasinan – Nahaharap sa kasong paglabag ang isang truck driver sa Republic Act of 10591 o Illegal Possession of Firearms and Ammunition matapos magpositibo ang ikinasang search warrant ng mga awtoridad sa mismong tahanan nito.

Nakilala ang suspek na si Alfredo Mangabay, residente ng MH Del Pilar sa nasabing bayan.
Ikinasa ang search warrant implementation sa tahanan nito pasado alas kwatro ng madaling araw kung saan ay nakuha mula dito ang isang magazine ng caliber 45, walong bala ng caliber 45 at pitong bala ng caliber 38 revolver.

Sa ngayon, nasa kostudiya na ng PNP ang naturang suspek.


Facebook Comments