Truck Driver na Tulak ng Droga, Kalaboso

Cauayan City, Isabela- Bagsak sa kulungan ang isang truck driver matapos magpositibo sa inilatag na drug buybust operation ng pinagsanib na pwersa ng mga operatiba sa Brgy. Toran, Aparri, Cagayan.

Kinilala ang suspek na si Guillermo Guilling, 32 anyos at residente ng Brgy. Sapping, Camalaniugan, Cagayan.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan, unang nakatanggap ng impormasyon ang PNP Aparri na may iang nagngangalang ‘Ungguy’ ang sangkot sa pagbebenta ng illegal na droga sa nasabing bayan.


Dahil dito, plinano at isinagawa ng mga otoridad ang drug buybust operation laban kay Guilling na nagresulta sa kanyang pagkakahuli.

Nabentahan ng suspek ang isang poseur buyer ng isang (1) sachet ng hinihinalang shabu kapalit ang halagang Php500.00.

Nakumpiska naman sa pag-iingat ng suspek ang limang daang piso na buybust money.

Nabatid na kinukuha ng suspek sa bayan ng Gattaran, Cagayan ang mga ibinebentang shabu sa kanyang bayan.

Inihahanda na ng pulisya ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act na isasampa laban sa suspek.

Facebook Comments