Truck Driver, Timbog sa Buy Bust Operation!

Cauayan City- Bagsak kulungan ang isang Truck Driver matapos ang ikinasang drug buy bust operation ang kapulisan partikular sa isang hotel sa Brgy. San Fermin, Cauayan City dakong alas dyes y medya ng gabi, Hulyo 14, 2018.

Kinilala ang nadakip na si Sherwin Mabazza, 36 anyos, walang asawa, truck driver at residente naman ng Sta. Luciana Cauayan City.

Batay sa Impormasyong nakalap ng RMN Cauayan, natimbog umano ng pinagsanib pwersang PDEA at PNP Cauayan si Mabazza sa isang hotel sa naturang barangay matapos nitong bentahan ng shabu ang isang pulis na nagpaggap na bibili.


Samantala, nakuha naman mula sa kanyang pag-iingat ang isang sachet ng shabu, isang libong piso na ginamit bilang marked mone, isang lighter, Mga nagamit na aluminum foil, isang Cellphone at isang power bank.

Agad namang dinala si Mabazza sa himpilan ng kapulisan kasama ng mga narekober na ebidensya para sa kaukulang dokumentasyon habang nahaharap naman ito sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments