
Wasak ang ilang barrier habang nasira ang traffic signages sa bahagi ng southbound ng EDSA Santolan matapos na araruhin ng isang truck pasado alas-12 kaninang madaling araw.
Minamaneho ng 29-anyos na lalaki ang truck na naglalaman ng buhangin.
Kwento ng driver na galing siyang Pampanga at papunta sana sa Taguig upang mag-deliver.
Pero inamin nito na inantok at nakatulog siya dahilan para maararo ang mga barrier.
Maswerteng walang nadamay sa nangyaring aksidente.
Hawak na ng mga awtoridad ang driver na posibleng maharap sa kasong reckless imprudence resulting in damage to property.
Facebook Comments