Truck, inararo ang ilang mga sasakyan sa Antipolo City, Rizal; isa patay, apat sugatan

Kinumpirma ng Antipolo PNP na isa ang namatay sa nangyaring aksidente sa bahagi ng Sumulong Highway, Antipolo City, Rizal.

Matapos araruhin ng isang 10-wheeler truck ang ilang mga sasakyan sa naturang kalsada.

Ayon sa paunang imbestigasyon, paakyat sana sa isang mall ang truck para magkarga ng buhangin nang mawalan umano ng preno.

Dahilan para masalpok nito ang isang kotse, motorsiklo at isa pang truck bago tuluyang bumangga sa poste at mawasak ang harapan nito.

Apat naman ang napaulat na nasaktan sa nangyaring aksidente kung saan nadala na ang dalawa sa ospital.

Patuloy ang isinasagawang rescue operations ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) at Antipolo City Disaster Risk Reduction Management Office (DRRMO) sa dalawa indibidwal na nasangkot sa aksidente.

Kung saan isang motorcycle driver ay pumailalim sa naturang truck habang naipit din sa driver seat ang nakaaksidenteng truck.

Facebook Comments