Truck na may Iligal na Kahoy, Nasabat ng mga Otoridad!

99

*Cordon, Isabela- *Hindi nakalusot sa mga alagad ng batas ang isang Isuzu elf truck na naglalaman ng mga iligal na kahoy sa Brgy. Gayong, Cordon, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 RMN Cauayan, arestado ang driver ng elf na si Roger Caagusan Jr., 34 anyos at helper nito na si Rufino Caagusan, 22 anyos na kapwa residente ng Brgy. Anonang, Cordon, Isabela.

Bandang 6:30 kaninang umaga nang masabat ng mga nakabantay na kasapi ng PNP Cordon ang sasakyan ng mga suspek na may kargang mahigit kumulang 40 piraso na round logs ng Gmelina.


Dinakip ang dalawang suspek matapos mabigong magpakita ng anumang kaukulang dokumento mula sa DENR kaugnay sa mga pinutol na kahoy.

Nasa kustodiya na ng Cordon Police Station ang dalawang suspek at mga nakumpiskang iligal na kahoy maging ang sasakyan para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments