Truck na may kargang 18,600 kg karne ng baka, nasunog sa highway

636
Facebook/Lakeside Fire Protection District

Naihaw nang wala sa oras ang 18,600 kilogramong hilaw na karne ng baka matapos magliyab ang truck na nagkarga nito sa California, USA.

Nagmitsa ang sunog sa nag-overheat na preno ng sasakyan, Martes ng hapon, ayon sa Facebook post ng Lakeside Fire Protection District sa parehong araw.


Panandalian isinara ang highway dahil sa insidente, ngunit binuksan din nang maapula na ang apoy.

Halos walang natira sa likurang bahagi ng truck, maliban sa natustang karne.

Wala namang naiulat na nasaktan sa insidente.

Facebook Comments