Truck na may kargang kalakal, bumangga sa isang oil tanker truck sa Maynila

Nagdulot ng bahagyang pagbagal ng daloy ng trapiko ang nangyaring pagbangga ng isang six-wheeler truck sa isang oil tanker truck na may kargang petrolyo sa bahagi ng Ayala Blvd. sa Maynila.

Partikular sa eastbound lane mula Taft Avenue papunta ng San Marcelino Street.

Sa paunang imbestigasyon ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB), nasa westbound lane ang six-wheeler truck na may plate number na NGP-7384 at may kargang kalakal na patungo sana ng Laguna pero nakaidlip ang driver nito.


Dahil dito, nabangga niya ang kaliwang bahagi ng oil tanker truck na may plakang NII-8606 kaya’t nawasak ang ilang gulong nito.

Nangyari ang insidete pasado alas-6:00 ng umaga at walang nasugatan sa kapwa driver at mga pahinante nito.

Nagpatupad naman ng stop and go traffic scheme ang MTPB para mahatak ang dalawang truck na naging pahirapan dahil sa insidente.

Facebook Comments