Truck na naglalaman ng 231 sako ng binhi ng palay naharang sa Buldon

Nasa custody ngayon ng Buldon Municipal Police Station ang 231 sako ng binhi ng palay matapos maharang noong weekend ng pinagsanib na pwersa ng mga kapulisan at mga kasundaluhan sa Edcor Buldon, Maguindanao.
Sinasabing walang maipakitang dokumento ang driver at pahinante ng forward truck na may sakay ng rice seedlings kung kanino nagmumula at para kanino ang mga ito.
Layun nito ay upang maisiguro lamang ang kaligtasan ng bawat residente kasabay ng banta ng terorismo at droga di lamang sa Buldon kundi sa buong Iranun Towns ayon pa kay 37th IB Batallion Commander Lt. Col Florencio Pulitod Jr. sa panayam ng DXMY.
Samantala sa ginawang pagsusuri ng mga otoridad , nagnegatibo sa anu mang kontrabando tulad ng baril o droga kundi naglalaman lamang ito ng binhi dagdag ni Col. Pulitod.
Nauna na ring itinanggi ng Municipal Agriculture Officer ng Buldon , Provincial Agriculture Officer ng Maguindanao at mga opisyales ng DAF ARMM sa ginawang pakikipag ugnayan ng LGU na wala silang nalalamang programa na inilaan ngayong panahon para sa Buldon.
Kaugnay nito nanawagan naman ng ang LGU Buldon sa lahat ng mga gustong magpaabot ng anu mang tulong o proyekto sa kanilang bayan na makipagcoordinate naman sa kanila ayon pa kay Buldon Vice Mayor Atty. Cairoden Pangunotan na syang naging presiding officer sa isinagawang Municipal Peace and Order Council Meeting kahapon kasama sina Mayor Abolais Meeting,37th IB Batcom, Buldon COP at mga kapitan .
Nilinaw naman ni Vice Mayor Pangunotan na hindi sila tutol sa anu mang ipagkakaloob na tulong o proyekto sa kanilang mga kababayan basta makipag ugnayan lamang sa kanilang tanggapan para na rin sa kalinawan ng lahat.

Facebook Comments