Truck na nakuhanang nagliliyab sa Maynila, edited pala; mga rumespondeng bumbero, nabiktima

Napasugod ang ilang mga bumbero sa bahagi ng Barangay 20, Parola Compound, Tondo, Maynila.

Matapos na makatanggap ng litrato na may nasusunog na truck sa lugar.

Nirespondehan ito ng apat na fire truck kabilang na ang isang truck mula sa Manila Fire Department.

Pero nang kanilang respondehan, tumambad sa kanila ang truck na nasa maayos na kondisyon at walang senyales ng pagkasunog .

Dito na napag-alaman na edited pala ang larawan na kumalat pa sa social media.

Ayon sa Recto Engine na nag-post ng edited na larawan, delikado ang pagpapakalat ng ganitong uri ng impormasyon lalo na sa mga emergency.

Umaasa sila na mapanagot ang nasa likod ng pagpapakalat ng nasabing larawan.

Facebook Comments