TRUCK NA NAWALAN NG PRENO, INARARO ANG APAT NA SASAKYAN SA LINGAYEN

Inararo ng isang truck ang apat na sasakyan sa bahagi ng Brgy. Quibaol, Lingayen, Pangasinan.

Sa panayam ng IFM News Dagupan kay Lingayen Municipal Police Station Chief of Police PLTCOL. Amor Mio Somine, sinabi umano ng driver ng truck na nawalan ito ng preno dahilan upang mabangga ang nasa harapan nitong SUV.

Sa lakas ng pagkakabunggo nito sa suv ay nadamay pa ang tatlong naunang sasakyan.

Agad naman umanong naitakbo sa ospital ang mga sakay ng mga sasakyan na nadamay na insidente.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa naturang insidente at nagbigay paalala sa mga motorista na laging mag-ingat at responsable sa pagmamaneho sa gitna ng kakalsadahan upang maiwasan ang aksidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments