Manila, Philippines – Namatay on the spot ang maglolo matapos na maipit ng trailer truck na may hila hilang 40 footer container van sa Pandacan, Manila.
Kinilala ang maglolo na nasawi na sina Danilo Baltazar, 61 anyos; at Julius Baltazar, 12 anyos; habang naipit naman at ligtas na sina John Baltazar, 5 anyos; at Clarita Sarias.
Ayon sa driver ng trailer truck na si Reynaldo Acosta, galing sila sa Sta. Mesa papuntang Quirino Avenue at dumaan sa Nagtahan Interlane Southbound pero hindi umano kumagat ang preno ng kanyang minamanehong trak kayat tuloy-tuloy itong bumulusok at bumagsak sa isang bahay sa Thomas Claudio Street, Pandacan, Manila.
Pahirapan ang mga rescuer na mailigtas ang mga naipit dahil kinakailangan pa nilang gumamit ng crane upang maiangat ang container van na nakadagan sa isang bahay.
Dahil sa naturang aksidente, nagdulot ito ba mahabang daloy ng trapiko simula Quirino Avenue hanggang Thomas Claudio Street, Pandacan, Manila.