Truck ng Gulay, Tumumba!

Isang truck na naglalaman ng gulay ang natumba sa Bontiway, Barangay Poblacion, Tuba, Benguet ngayong araw ng Biyernes.

Ayon sa inisyal na report ng mga pulis, nawalan ng kontrol ang driver nang makarating sa kurbadang parte ng kalsada ang 14-wheeler vegetable dealer truck at ito ay sumalpok sa malalaking bato sa gilid ng kalsada at tumumba habang binabagtas ang Badiwan Road sa Bontiway, Tuba, Benguet,

Nagtamo ng pinsala sa ulo at mukha ang 49-anyos na driver ng nasabing vegetable dealer truck na si Bong Roman Enriquez habang nagtamo naman ng ilang sugat sa kanang bahagi ng braso ang kasama nitong si Jay Gran. Agad namang isinugod ang dalawa sa Baguio General Hospital upang bigyan ng karampatang lunas.


<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments