Truck, sumalpok sa isang poste sa Payatas, Quezon City

Tumagilid ang isang truck matapos salpukin ang isang poste sa bahagi ng Payatas Road sa Quezon City ngayong araw.

Nakalaylay ang ilang mga kawad ng kuryente sa lugar na naging dahilan para maging pahirapan ang pagdaan ng iba pang truck sa lugar.

Base sa paunang imbestigasyon ng pulisya, posibleng nakatulog ang driver bago ito bumangga sa poste.

Nagtamo ng sugat sa ilang bahagi ng katawan ang driver na kasalukuyang nasa Traffic Sector 5 para sa imbestigasyon.

Habang wala namang sugat na tinamo ang pahinante na nasa pangangalaga na rin ng awtoridad.

Dahil sa aksidente, nagdulot ito ng pagbagal ng daloy ng trapiko dahil sa patuloy na isinasagawang clearing operations.

Facebook Comments