Truck, tumagilid sa westbound lane ng Quezon Avenue sa Quezon City

Manila, Philippines – Nagdulot ng pagsikip ng daloy ng trapiko sa westbound lane ng Quezon Avenue sa Quezon City makaraang tumagilid ang isang delivery truck.

Maghahatid sana ng yelo sa Maynila ang truck ng R & B tube ice nang magpagewang-gewang ito at matumba sa tapat ng fisher mall.

Ayon sa driver na si Mark Casa, hindi kumagat ang preno ng truck dahil sa sobrang bigat ng karga nito.
Samantala, sugatan naman ang apat na sakay ng kotse matapos bumangga sa nakaparadang backhoe truck sa tapat ng Trinity University of Asia sa E. Rodriguez Avenue.


Mabilis ang takbo ng kotse sa westbound lane ng naturang kalsada at bigla nitong sinakop ang eastbound lane hanggang sa bumangga sa backhoe.
Pumailalim pa sa truck ang kotse dahilan para mabasag ang windshield nito at mayupi ang hood kung saan isinugod sa ospital ang lalaking driver at ang tatlong pasahero nitong mga babae.

Facebook Comments