Bago natin isa-isahin ang mga signs ng isang true love, kailangan muna nating maintindihan na ang pagmamahal ay hindi dapat minamadali kung nais nating maging successful ang relationship natin. Sa katunayan ang love at first sight ay bugso lamang ng romantic at sexual emotions. Hindi pa ito true love. Kahit pa hindi mo siya matanggal sa isip mo, hindi pa siya yung the one dahil nasa first stage pa lang na tinatawag nating infatuation.
Malalaman natin kung may posibilidad na true love nga ang mayroon tayo sa karelasyon natin sa oras na mangyari ang unang away, misunderstanding o pagtatalo. Kadalasan sa mga relasyon pag umabot sa ganito ay naghihiwalay. Habang dumarami ang mga nalalagpasan niyong problems, at pinipilit niyong intindihin ang isa’t isa, doon na papasok ang love.
Ang true love ay yung mararamdaman mo ang labis na kasiyahan kapag nandiyan siya. Ayan yung mga taong hindi mo kayang makitang nasasaktan at kahit nagkaalitan kayo hindi mo siya matitiis; yung kaya mong isakripisyo ang mga bagay na hindi mo aakalaing kaya mong ibigay pero nagawa mo dahil sa pagmamahal; yung taong sobrang mapagkakatiwalaan; yung taong makakasama mo sa saya at sa hirap. Kung meron kayo ng mga ‘yan idol, binabati kita dahil malamang true love na ‘yan!
“Love is patient, love is kind. It does not envy, it does not boast, it is not proud. It does not dishonor others, it is not self seeking, it is not easily angered, it keeps no record of wrongs. Love does not delight in evil but rejoices with truth. It always protects, always trusts, always hopes, always persevere.”
– 1 Corinthians 13:4-7
Article written by Albert Soliot
Facebook Comments