Nasa Ireland si US President Donald Trump matapos ang tatlong araw na state visit sa United Kingdom.
Matatandaang nababahala ang Ireland sa Brexit dahil sa posibleng epekto nito sa kanila.
Dito tiniyak ni Trump kay Irish Prime Minister Leo Varadkar na ang pag-alis ng Britain sa European Union (EU) ay hindi magiging problema sa isyu ng Irish border.
Dagdag pa ni Trump – magkaibigan sila ni Varadkar at pagtitibayin nito ang ugnayan ng Ireland at US.
Giit naman ni Varadkar – iniiwasan nila ang pagkakaroon ng border o wall sa pagitan ng Republic of Ireland at Northern Ireland.
Maliban sa Brexit, pinag-usapan din sa pulong ng dalawang lider ang pagpapalakas sa military at trade.
Facebook Comments