Trump, hinamon ang isang whistleblower na lumutang

Hinamon ni U.S. President Donald Trump na lumutang ang whistle blower na nagsiwalat ng umano’y Ukraine scandal.

Ito ay may kaugnayan sa kinakaharap niyang impeachment inquiry sa US Congress.

Ayon kay Trump – mali ang mga inilalabas na pahayag ng whistleblower.


Inakusahan din ni Trump ng pagtataksil o treason si House Intelligence Chairman Adam Schiff.

Itinanggi ni Trump na wala siyang ginawang mali.

Nilalatag na ng kampo ni Trump ang kanilang magiging depensa.

Facebook Comments