Trump, ilalatag na ang immigration policy

Nakatakdang magbigay ng talumpati ngayong linggo si US President Donald Trump sa mga susunod na araw patungkol sa immigration policy.

Ito ay matapos magpulong ang top White House officials at mga Republican senators.

Isinusulong ni Trump ang panukalang magbebenepisyo ang highly skilled workers na nais mag-immigrate sa US at bawasan ang mga may ibang uri ng visas.


Wala pang komento ang White House hinggil sa nakatakdang speech ni Trump.

Ang pag-overhaul sa immigration laws ay nagresulta sa pagkakahati ng Republicans at Democrats.

Facebook Comments