Trump, kinumpirmang patay na ang leader ng ISIS

Kinumpirma na ni US President Donald Trump na nasawi sa ikinasang raid ng US Special Forces ang puganteng leader ng Islamic state na si Abu Bakr Al-Baghdadi.

Si Baghdadi ay nagpakamatay matapos pasabugin ang suot na suicide vest matapos ang magtago sa isang dead-end na tunnel.

Ayon kay Trump – ang paghuli o pagpatay sa ISIS leader ay top national security priority ng kanyang administrasyon.


Positibong nakilala si Baghdadi sa pamamagitan ng DNA test.

Maging ang kanang-kamay ng ISIS leader ay napatay sa hiwalay na raid ng Kurdish-led at US forces sa Northern Syria.

Ang pagkamatay ni Baghdadi ay maituturing na ‘severe’ at ‘devastating’ blow sa Islamic state.

Facebook Comments