Trump, madidismaya kay NoKor leader kung totoong itinatayo muli ang isang missile launch site

Ikadidismaya ni US President Donald Trump si North Korean Leader Kim Jong Un sakaling totoo ang mga ulat na muling itinatayo ng North Korea ang kanilang rocket launch site.

Base sa dalawang U.S. Think Tanks at isang South Korean news agency, kinukumpuni muli ng Pyongyang ang binuwag na Sohae Satellite Launching Station.

Ayon kay Trump – kapag talagang nangyayari ito, malaking kabiguan ito.


Pero tiniyak ni Trump na reresolbahin ang gusot na ito.

Nabatid na sinimulan buwagin ang Sohae noong nakaraang taon matapos mangako si Kim na gagawin ito sa unang Summit nila ni Trump.

Nitong ikalawang Summit, naghayag ng kahandaan ang North Korean na limitahan ang kanilang nuclear program kapalit ng pagpapagaan ng Amerika sa ipinapataw sa kanilang sanctions.

Facebook Comments