Pagdedesisyunan ni US President Donald Trump kung magpapataw ng taripa sa halos $300 billion na halaga ng produkto mula China.
Ito ay matapos makipagpulong si Trump sa ilang world leaders.
Bago ito, napatupad na ng 25% tariff increase sa $200 billion na halaga ng Chinese goods at ipinag-utos sa trade representative na ihanda ang taripa sa karagdagang $300 billion, sakop na ang halos lahat ng Chinese exports sa US.
Ayon kay Trump – maglalabas siya ng desisyon sa susunod na dalawang linggo pagkatapos ng G20 Summit kung saan makakapulong niya sa Chinese President Xi Jinping.
Ang G20 Summit ay mangyayari sa Japan sa June 28 at 29.
Matatandaang naging maalat ang relasyon ng US at China matapos akusahan ni Trump ang Beijing na hindi commuted na baguhin ang ways of doing business nito.