Trump, malaking banta sa world economy

Iginiit ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na malaking banta sa ekonomiya ng mundo si U.S. President Donald Trump.

Ayon kay BSP Governor Benjamin Diokno – umaangat ang ekonomiya ng US dahil sa ipinapatupad na tax cut ng Trump administration, pero palalalain lamang nito ang utang.

Ika niya: “kapag bumahing ang US, mahahawan ang buong mundo ng sipon nito.”


Ang polisya ng US sa trade war nito sa China ay nakakaapekto na sa Asya at posibleng magdulot ng global recession.

Facebook Comments