Trump, nag-surprise Christmas visit sa mga sundalo nito sa Iraq

Nagsagawa ng surprise Christmas visit si U.S. President Donald Trump sa mga sundalo nito na naka-assign sa Iraq.

Pangako ito ni Trump na bibisitahin ang U.S troops nito sa war zone.

Kasama ng U.S President ang asawa nito na si Melania.


Base sa mga litrato, makikitang masayang binabati ni Trump ang servicemen at game pa na magpakuha ng selfie.

Tumagal ang pananatili ni Trump sa loob ng higit tatlong oras.

Plano rin ng U.S. Leader na bisitahin ang kanyang mga sundalo sa Ramstein air base sa Germany.

Facebook Comments