Trump, nagdeklara na ng nat’l emergency para sa pagpopondo ng border wall

Idineklara na ni U.S. President Donald Trump ang national emergency para mapondohan ang pagpapatayo ng bakod o wall sa U.S.-Mexico border.

Nabatid na umabot sa 35 araw ang partial government shutdown matapos na kontrahin ng mga mambabatas ang pagpondo ng kaniyang $5.7 billion na border-wall.

Ayon kay Trump – ipinagpipilitan niya sa mga mambabatas na dapat mapondohan na ang kaniyang border wall na isa sa kanyang pangako noong 2016 campaign.


Sa ilalim ng national emergency, kapag hindi ito hinarang ng korte ay maaaring ibahin ng Pangulo ang mga nakalaan sa pondo ng gobyerno.

Tiniyak naman ng Democrats na idudulog nila sa Korte Suprema ang ginawa ni Trump.

Facebook Comments