Trump, nanawagan sa China at Ukraine na imbestigahan ang karibal na si Joe Biden

Hinikayat ni US President Donald Trump ang China at Ukraine na imbestigahan si democratic political rival nito na si dating Vice President Joe Biden.

Ayon kay Trump – dapat siyasatin si Biden at ang anak nitong businessman na si Hunter si Biden Jr.

Inaakusahan kasi ng Democrats si Trump na ipinapaimbestiga si Biden sa Ukraine na ginamit ang nasabing isyu para harangin ang $400-M tulong ng US sa Ukraine.


Itinanggi rin ni Trump na walang masama sa ginawa nitong pagtawag kay Ukrainian President Volodymyr Zelensky.

Tinawag din ni Trump na walang kuwenta ang impeachment complaint sa kaniya.

Facebook Comments