Trump, nasa UK na para sa state visit

Dumating na sa United Kingdom si US President Donald Trump para sa tatlong araw na official visit.

Kasabay ng paglalatag ng red carpet, sinalubong ni Queen Elizabeth si Trump kasama ang asawang si Melania.

Nagkaroon ng piging at inilibot din ng reyna si Trump sa mga historical items sa Buckingham Palace.


Layunin ng pagbisita ni Trump na pagtibayin ang special relationship ng US at UK at palakasin ang trade links at security cooperation.

Facebook Comments