Trump, sinibak ang kanyang personal aide

Sinibak ni US President Donald Trump ang kanyang personal aide matapos nitong isiwalat ang mga private information ng kanyang pamilya.

Nalaman kasi ni Trump na sinabi sa publiko ng kanyang sekretarya na si Madeleine Westerhout ang pribadong impormasyon tungkol sa kanyang pamilya matapos itong makipag-usap sa mga reporters.

Nabatid na ipinagmamalaki rin ni Westerhout ang kaniyang access sa US president noong holiday sa New Jersey.


Sa ngayon ay kinonsidera nang “separated employee” si Westerhout at hindi na rin siya maaaring makabalik pa sa executive mansion.

Facebook Comments