Maraming mga puna sa pagtugon ng gobyerno sa novel coronavirus (nCoV) lalo at dalawa na ang kumpirmadong kaso nito sa bansa at ang isa sa kanila ay pumanaw na.
Pero, sa kabila nito, ay binigyang diin ni Senator Christopher Bong Go na nanatili ang trust and confidence ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Health Secretary Francisco Duque.
Sa pagdinig ng committee on health na pinamumunuan ni Senator Go, ay lumabas na may sablay sa contact tracing dahil nasa 17-porsyento pa lang sa 331 pasahero na nakasalamuha sa eroplano ng dalawang nagpositibo sa nCoV ang nakokontak ng Department of Health (DOH).
Gayunpaman, umaasa si Go na kayang mapunan ng DOH anuman ang pagkukulang nito dahil lahat ay ginagawa nito laban sa nCoV.
Facebook Comments