Trust at approval ratings ni Pangulong Rodrigo Duterte, muling tumaas!

Tumaas muli ang trust at approval ratings ni Pangulong Rodrigo Duterte base sa isinagawang fourth quarter survey ng isang political consultancy firm ngayong Disyembre 2021.

Sa survey ng Public Asia na “Pahayag Quarter 4”, lumalabas na 6 anim sa bawat 10 pilipino o katumbas ng 65 percent ang aprubado sa pamamalakad ni Pangulong Duterte sa bansa.

Mas mataas ng 5 porsyento sa 60% approval rating nito sa third quarter.


Umakyat din ang trust rating ng pangulo sa 55 percent ngayong last quarter, mas mataas sa 53% na naitala nitong third quarter.

Samantala, bumaba ang approval rating ni Vice President Leni Robredo sa 30 percent mula sa 31% na naitala noong third quarter habang tumaas ang trust rating nito sa 23 percent mula sa 22%.,

Kasama rin ang ilang matataas na opisyal sa survey tulad nina Senate President Tito Sotto, House Speaker Lord Allan Velasco at Chief Justice Alexander Gesmundo.

Isinagawa ang survey ng Public Asia via online sa pagitan ng Disymebre 6-10 kung saan sumagot ang 1,500 respondents.

Facebook Comments