
Tumaas ang trust at performance rating ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Batay sa resulta ng tugon ng masa survey ng Octa Research, nakakuha si Pangulong Marcos Jr. ng 64% trust rating ngayong Hulyo mula sa 60% noong buwan ng Abril.
Habang marami rin ang nasisiyahan sa pagganap sa tungkulin ng pangulo na umakyat sa tatlong puntos o 62% performance rating.
Samantala, bumaba naman ng apat na puntos ang trust ratings ni Vice President Sara Duterte sa 54% kumpara sa 58% noong Abril.
Habang anim na puntos ang ibinagsak ni VP Sara sa kanyang performance na nasa 50 percent.
Isinagawa ang survey nitong July 12 hanggang July 17 sa 1,200 Pilipino respondents sa pamamagitan ng face-to-face interviews.
Facebook Comments









