TRUST FUND | Bicam report hinggil sa ₱100-B coco levy trust fund, niratipikahan ng Senado

Manila, Philippines – Niratipikahan na ng Senado ang bicameral committee report para magkaroon ng trust fund na P100 billion para sa 3.5 milyong magniniyog sa bansa.

Si Senadora Cynthia Villar ang naghatid ng sponsorship speech para sa committee report sa magkakaibang probisyon ng Senate Resolution 1233 at House Bill 5745.

Ang pondo ay mula sa ari-arian at benepisyo mula sa coconut levy o ang buwis na siningil mula sa mga magniniyog noong administrasyon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.


Una nang naaprubahan ang pinag-isang bersyon ng Senado at Kamara noong Agosto 1.

Facebook Comments