TRUST FUND | DOJ, bubuo ng Technical Working Group kaugnay ng Express Lane Fund ng immigration employees

Manila, Philippines – Nakipag-ugnayan na si Justice Secretary Vitaliano Aguirre II sa Department of Budget and Management (DBM) at Commission on Audit (COA) para sa pagbuo ng Technical Working Group (TWG) na mangangasiwa ng pag-gamit ng express lane fund ng mga kawani ng Bureau of Immigration (BI).

Ito ay bilang dagdag kompensasyon ng Immigration personnel.

Ayon kay Aguirre, nagpadala na siya ng liham kina Budget Secretary Benjamin Diokno at COA Chairperson Michael Aguinaldo para sa bubuuing TWG na babalangkas ng panuntunan sa pagpapalabas ng pondo.


Ito aniya ay bilang pagtalima na rin sa veto message ng Pangulong Rodrigo Duterte sa 2018 General Appropriations Act (GAA) kung saan pinahintulutan ang pagkakaroon ng trust fund para sa overtime ng mga kawani ng BI

Facebook Comments