Trust Rating Ni Pangulong Rodrigo Duterte – Napanatiling Excellent

14

MANILA – Sa limang buwang panunungkulan, nananatili ang tiwala ng taong bayan kay Pangulong Rodrigo Duterte.Ito ang lumabas batay sa pinakahuling survey ng social weather station.Sa survey, napanatili ni Duterte ang kaniyang “excellent” trust rating kung saan nakakuha ito ng +72 na net trusting.Bagaman apat na puntos itong mas mababa sa +76 rating na nakuha niya noong Setyembre, pasok pa rin naman ito sa pagiging excellent.Isinagawa ang fourth quarter survey sa pamamagitan ng face-to-face interview mula December 3 hanggag 6 sa 1,500 adults sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Facebook Comments