Trusted man ni ISIS-ASG leader Isnilon Hapilon napatay sa police operation sa Zamboanga City

615
Photo Courtesy: PNP PIO

Nasawi sa ikinasang operasyon ng pulisya ang aide o trusted man ni Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) -Abu Sayyaf Group (ASG) leader Isnilon Hapilon sa Zamboanga City.

Ayon kay PNP Chief General Debold Sinas ang nasawing terorista ay kinilalang si Arrasid Adjing Halissam alyas Guru Ara.


Sya ay aarestuhin sana ng mga pulis dahil sa kasong illegal possession of firearms and explosives kahapon ng umaga pero nanlaban sa mga awtoridad kaya napatay.

Nakuha sa kanya ang isang caliber .45 pistol.

Si Guru Ara ay lumipat ng Sulu matapos na mapatay si Isnilon nang mangyari ang Marawi Siege noong 2017 para umanib sa grupo naman na nasawi na ring si ASG leader Hatib Sawadjaan.

Si Guru Ara ay sangkot sa mga nangyaring kidnapping, pambobomba at pamumugot sa Zamboanga Peninsula.




Batay pa sa pag-iimbestiga ng pulisya si Guru Ara ay miyembro na rin ng Dawlah Islamiyah na responsable sa mga terroristic activities.

Facebook Comments