Manila, Philippines – Tsansang makalusot sa kongreso ang BBL, nakadepende sa isusumiteng bersyon ng palasyo.
Sa susunod na linggo ay inaasahang isusumite ng malakanyang sa kongreso ang panukalang bangsamoro basic law o BBL na hindi nakapasa noong aquino administration.
Sabi nina Senators Sonny Angara at Gringo Honasan ang tsana na makapasa ito ngayon ay depende sa isusumiteng bersyon ng palasyo.
Ayon kay Angara, malaki ang tsansa na maisabatas ang proposed BBL kung dumaan ito sa mahigpit na konsultasyon sa lahat ng apektadong sektor at kung puspusan ang pagsusulong dito ni Pangulong Rodrigo Duterte.
“I think a well-crafted BBL that undergoes extensive consultations and that receives strong backing from the executive has a good chance of passing,” ayon kay Senator Angara.
Sabi naman ni Senator Gringo Honasan, dapat na naiwasto na ang mga puna o kahinaan na nakita sa bersyon na isinumite ng malakanyang noong panahon ni dating Pangulong Noynoy Aquino.
“It depends if the perceived weaknesses of the 1st version of the BBL have been corrected,” pahayag ni Senator Honasan.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558