Dinakip ang isang Chinese national sa Caloocan City matapos umanong murahin at hamunin ng suntukan ang mga naninitang tanod bunsod ng pagsuway nito sa enhanced community quarantine.
Kinilala ang ECQ violator na si Ken Li Go, 44 taong gulang, at naninirahan sa Barangay 67 ng naturang lungsod.
Ayon sa pulisya, hinarang sa checkpoint ang lalaki dahil hindi otorisado ang dala nitong quarantine pass at hindi rin naka-schedule na lumabas upang mamimili.
Pero imbis na sumunod, bumaba si Go kaniyang motorsiko, inalis ang face mask at inaway ang mga nagbabantay sa quarantine control checkpoint.
Pagdating sa presinto, umamin ang Chinese national sa nagawang pagkakamali at nangakong hindi na uulit.
Nasa kostudiya ng Caloocan Police ang suspek na kinasuhan ng paglabag sa Bayanihan Heal As One Act, unjust vexation, at disobedience to a person in an authority.
(BABALA: SENSITIBONG VIDEO)