TSISMIS LANG | “Pregnancy rumor”, itinanggi nina Bugoy Cariño at EJ Laurel

Manila, Philippine – Sinagot na ng volleyball player na si Ennajie “EJ” Laure ang usap-usapang buntis siya at ang ama ay ang rumored boyfriend niyang si Bugoy Cariño.

Sa instagram post ng dating team captain ng UST Golden Tigresses, iginiit niya na hindi totoo ang isyu na nagsimulang kumalat noong December 2017.

Aniya, patuloy siyang nagpapagaling mula sa chronic shoulder injury dahilan kaya hindi siya nakakalaro ngayong season.


Say naman ng dating Goin’ Bulilit star at ngayon ay hashtag member na si Bugoy, tatawanan na lang niya ang mga nagpapakalat ng tsismis.

Sa hiwalay na instagram post, nagbahagi pa siya ng video kung saan makikitang nagma-mime siya sa saliw ng Ex Battalion’s hit song na “hayaan mo sila”.

Facebook Comments