Tsunami alert sa bansa, inalis na ng PHIVOLCS

Manila, Philippines – Inalis na ng PHIVOLCS ang tsunami alert sa 21 lalawigan sa bansa na nakaharap sa karagatang pasipiko matapos ang pagtama ng magnitude 8.1 na lindol sa Mexico.

Ayon kay Seismology Division OIC Ishmael Narag – hindi umabot ng isang metro ang taas ng alon sa eastern seaboard kaya’t wala ng banta ng pagtama ng tsunami.

Nabatid na inilabas ang alerto dahil sa pangambang umabot sa western pacific region ang naglalakihang alon.


Facebook Comments